Juris, balik-concert ngayong Hulyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 15 2017 10:59 AM

MANILA -- Kasado na ang muling pagbabalik sa concert scene ni Juris, ilang buwan matapos niyang magsilang sa kanyang ikalawang anak.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, ibinahagi ni Juris na nakatakda ang kanyang palabas na "Juris... Medleys of My Heart" sa Hulyo 14 at 15 sa Music Museum.

"Sa July 14 may guest po ako, that's Jason Dy and Jay Durias; and July 15 si Aiza Seguerra at Daryl Ong," ani Juris.

"'Medleys of My Heart,' kasi di ba minsan kapag tinatanong ka ano ba ang kanta ng buhay mo, parang ang dami. So lahat 'yon ay pinagsama sa concert na 'yan. So please manood po kayo," ani Juris.

Maliban sa kanyang concert, inilabas na din ang official soundtrack album ng seryeng "A Love To Last," kung saan tampok ang kanyang awitin na "A Love To Last A Lifetime." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.