Lee O'Brian, inaming mas lumalim ang pag-ibig kay Pokwang

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 11:35 AM | Updated as of Jun 13 2018 06:12 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Matapos isilang ang kanilang anak, aminado ang Amerikanong aktor na si Lee O'Brian na mas tumindi ang pagmamahal niya kay Pokwang.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Lee na totoong mas mahal niya ngayon si Pokwang kaysa noon.

"I will be there everyday, be there consistently, constantly show up and my plan is to be with her and Malia and work on that thing called forever," pangako ni Lee.

"Araw-araw maraming trabaho pero sobrang sulit," dagdag niya.

Para naman kay Pokwang, hindi matatawaran ang importansiya ni Lee sa kanyang buhay, lalo't ito ang ama ng kanyang anak.

"Sa kanya ako natuto na maging mapagtimpi. 'Yung habaan ko ang pasensiya, sa kanya ko natutunan yon. Di ba dati kapag single ka feeling mo kaya mo lahat? Pero may kahinaan ako sa sarili ko na siya 'yung nagpuno. Siya 'yung nagturo sa akin na maging malakas sa part na 'yon. So he's really important in my life and Malia's. He's my papang, Malia's papang," ani Pokwang.

Nito lamang Enero ay isinilang ni Pokwang ang anak nila ni Lee na si Malia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.