KZ Tandingan, inawit ang bagong single sa 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Jun 13 2018 11:50 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni KZ Tandingan ang kanyang bagong single na "Nag-Iisa Na Naman" sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles.

Kasama ito sa kanyang album na "Soul Supremacy."

"Para sa lahat ng mga nag-iisa na naman, na alam na nila na doon na rin papunta, pero binalewala nila 'yung signs, so nagsisisi," ani KZ.

Bumisita si KZ sa "UKG" para imbitahan ang mga manonood na suportahan ang kanyang concert na "Supreme" sa Hunyo 22 sa Mall of Asia Arena.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.