PANOORIN: Mga paghahanda ni Liza para sa 'Darna'

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2017 02:33 PM

Sa dami nang nangyayari sa ating bansa ngayon, maging sa ibang bansa, tila kailangan na nga natin ang isang superhero na magtatanggol sa mga naapi at tatalo sa mga kasamaan.

Muling bibigyang buhay ang iconic Pinay superhero na si Darna, ang babaeng bersiyon ni Superman.

Likhang-sulat ito ng batikang manunulat na si Mars Ravelo.

Isang batang babaeng laki sa hirap ang orihinal na Darna na nakapulot ng batong bulalakaw mula sa kalawakan. Kapag nilunok niya ang bato, nagiging superhero ito.

Sa loob ng halos pitong dekada, nagkaroon na nang maraming mukha ang Pinay superhero.

Ngayong taon, naipasa na ang bato kay Liza Soberano bilang pinakabagong gaganap na Darna.

Kamakailan ay narinig na rin sa unang beses ang pagsigaw ni Soberano bilang Darna. 

Isang araw matapos inanunsiyo bilang bagong Darna, dumiretso agad si Soberano sa gym para sa kanyang goal na maging ganap na Darna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.