Sharon, suportado si Liza bilang bagong Darna

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 12:16 PM

MANILA -- Nagpahatid ng suporta si Sharon Cuneta kay Liza Soberano na napili bilang bagong Darna.

Matatandaang gumanap din bilang Darna si Sharon sa pelikulang "Captain Barbel" noong 1986.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ni Sharon na masaya siya para kay Liza. Giit pa ni Sharon, talaga namang nababagay para kay Liza ang karakter. 

"I'm very, very happy na siya ang bagong Darna. Bagay na bagay sa kanya," ani Sharon.

Noong nakaraang Linggo, matapos na ipaalam sa publiko na si Liza na ang bagong gaganap na Darna, ay nag-post si Sharon sa Facebook ng picture kasama si Liza.

Kuwento ni Sharon sa "Magandang Buhay," hindi niya napigil ang sarili na magpa-picture kasama si Liza na talaga namang hinahangaan niya. 

"Sobrang naging favorite ko si Liza. Nakita ko siya the other night sa baba. Talagang kilig na kilig ako. Galing kami sa taping sa 'The Voice,' tapos pauwi na kami pareho. Sabi nung isa, 'Ma'am, ma'am si Liza po.' Sabi ko, 'Nasaan?' 'Hi Liza,' tapos hinag ko. 'Nice to meet you.' Tapos pabalik na ako ng kotse, 'di ko natiis. 'Yaya dali cellphone.' Tapos, 'Can I have a picture with you?'" kuwento ni Sharon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.