PANOORIN: Melai, inalala ang kissing scene nila ni Sam Milby

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2018 04:31 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang nakakatuwang throwback ang naganap sa muling pagkikita nina Melai Cantiveros at Sam Milby.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, unang naalala ni Melai ang pagsasama nila ni Sam para sa 2010 seryeng "Impostor" na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Pag-alala pa ni Melai, si Sam ang kauna-unahan niyang naka-kissing scene.

"First screen kiss ko," ani Melai na sinabing ang "Impostor" ang kanyang kauna-unahang serye matapos siyang makalabas sa Bahay ni Kuya.

"Grabe ang toothbrush ko, 10 times akong nag-toothbrush, kinakabahan talaga ako. ... Sobrang nahiya talaga ako," dagdag ni Melai matapos ipakita ang naging kissing scene nila noon ni Sam.

Ayon naman kay Sam, pinaghandaan niya rin ang ginawa niyang paghalik kay Melai.

"Nag-toothbrush din ako. Siyempre bilang first kiss mo gusto ko (maayos)," biro naman ni Sam.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.