Pagganap ni Liza Soberano bilang si Pia Wurtzbach, hinangaan

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2017 07:00 PM

Hinangaan ang natatanging pagganap ni Liza Soberano bilang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa special episode ng 'Maalaala Mo Kaya' nitong Sabado, Hunyo 3.

Angat lalo ang ganda at galing sa acting ni Liza sa kaniyang pagsasabuhay sa mga pinagdaanang hirap at kabiguan ni Pia bago itinanghal na Miss Universe 2015.

Ilang tagpong tumatak sa episode ang ipinakita ni Liza na pagpupursige ni Pia na mag-artista at kalauna'y pasukin ang mundo ng beauty pageants. Hindi rin nawalan ng loob ang ating pambato kahit pa ilang beses na-bash sa internet at napagsabihan pa ng ina na tumigil na sa pagsali sa pageant.

Nauna nang ikinuwento ng aktres na nakakuha siya ng kumpiyansa para sa role mula mismo sa 'confidently beautiful with a heart' na si Pia.

Naiyak din daw si Liza habang nagsasanay ala beauty queen para sa role.

Naghahanda na ngayon si Liza para naman sa inaabangang pagganap niya bilang Darna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.