Liza Soberano, lilipad na bilang bagong 'Darna'

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 07:28 PM | Updated as of May 30 2017 09:27 PM

“Yes it's confirmed, tinatanggap ko na po ang role bilang si Darna.”

Matapos ang matagal na paghihintay, kinilala na ang aktres na si Liza Soberano bilang susunod na gaganap ng iconic superhero na si ‘Darna’.

Aminado si Liza na ito na ang biggest break ng kanyang karera.

"I know this will be a big help in my career, not just my career but also as an actor."

Kuwento pa ng aktres, excited siya nang tanggapin ang bagong role ngunit kasunod nito ay nakaramdam din siya ng kaba.

"I was really excited because I know this is such a big project... I'm so nervous kasi hindi ko pa rin alam kung anong gagawin and how am I gonna do it?"

Magsisimula na ng training si Liza sa mga susunod na linggo. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.