Joseph Marco, inamin ang paghanga kay Jodi Sta. Maria

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 26 2017 12:12 PM

Napanganga at napa-extra rice pa more ang admirers ni Joseph Marco sa eksena niyang ito sa pelikulang "Dear Other Self" kasama si Jodi Sta. Maria.

Highlight ng eksena ang abs ni Joseph na ayon sa kanya ay produkto ng pinaghirapan niya sa pag-gym. 
 
"At the same time name-maintain ko ang healthy lifestyle ko dahil nga may pinaghahandaan," ani Joseph.
 
Pero sinong mag-aakala na kahit merong perfect abs, meron ding cheat day si Joseph? 

"Ako, malakas ako kumain pero syemore bawas chips, bawas MSG, bawas sweets. Pero 'yun talaga, may mga times na bumibigay din talaga ako," aniya.

Applauded ang chemistry nila ni Jodi sa "Dear Other Self" kaya't 'di na nag-deny si Joseph na malaki ang paghanga niya sa bagong nakapareha. 

"Alam mo to be honest, oo naman, oo naman. Jindi naman maiiwasan yun. Si Jodi sobra ako naku-kyutan sa kanya, the way she talks, the way she carries herself, nakakatuwa siyang tao," ani Joseph.

Showing pa rin ngayon ang pelikulang "Dear Other Self" at regular din napapanood si Joseph sa teleseryeng "Wild Flower." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.