Richard Yap, ibinahagi ang simpleng hiling sa kanyang kaarawan

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 19 2017 11:34 AM

Fifty years old na si Richard Yap na nag-celebrate ng birthday kahapon kasama ang kanyang pamilya.

Simpleng selebrasyon at pasasalamat ang dasal ni Richard.

"Wala naman, it's just another day for me and thankful tayo to be given another year to be here, to do more," ani Richard.

Wala na siyang mahihiling na materyal na bagay, ang mahalaga ay maayos ang kalagayan ng kanyang pamilya.

"Materially, wala. I just want the best of everything for my family. For myself, good health," aniya.

Nagbigay din ng tip si Richard para magmukhang fresh at forever young. 

"Try to live a simple and clean life as much as possible. Try to be healthy and exercise," ani Richard.

Maingay din na usapan ng netizens ang malaking posibilidad na magsasama silang muli ni Jodi Sta. Maria sa isang proyekto.

"Of course hinihintay ko 'yun, sana ay magkasama kaming muli one of these days... kami rin, naghihintay din kami," ani Richard.

Hindi lang daw si Jodi ang makakasama ni Richard sa proyekto, kundi pati na rin si Robin Padilla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.