Darren Espanto, pangarap maging doktor

ABS-CBN News

Posted at May 19 2017 11:56 AM

 

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto1) on

MANILA - Nais ni Darren Espanto na kumuha ng kursong medisina pagdating ng araw.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni Darren ang kanyang pangarap na maging doktor.

"Baka po sa medical field. Gusto ko ring magawa 'yung ginagawa ng magulang ko because they are both registered nurses," ani Darren na lumaki kasama ang kanyang magulang at kapatid sa Canada.

"Noong bata ako, na-fascinate ako sa ginagawa ng parents ko po at kapag wala pong naiiwan sa bahay na kasama ko, eh dinadala nila ako sa trabaho nila. So nakikita ko po ang ginagawa nila," dagdag niya.

Nito lamang nakaraang Abril ay masayang nagtapos sa junior high school si Darren. 

Sa ngayon aniya ay focused muna si Darren sa kanyang karera.

"After graduation, kapag wala pong school I'm more focused sa career ko po ngayon. Pero siyempre, gusto ko pa rin pong ipagpatuloy [ang pag-aaral]," ani Darren.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.