'Ang Probinsyano': Joaquin, nabaril ang inang si Verna

ABS-CBN News

Posted at May 18 2017 12:25 PM

MANILA -- Sa pagnanais na tuldukan na ang kasamaan ng kanyang anak, binawian ng buhay si Verna Tuazon, ang karakter na ginagampanan ng aktres na si Agot Isidro sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Nitong Miyerkoles, aksidenteng nabaril si Verna ng kanyang anak na si Joaquin (Arjo Atayde), matapos niyang iharang ang sarili para hindi mapatay ng anak si SPO2 Cardo Dalisay (Coco Martin).

Sa Instagram, nagpasalamat si Agot sa lahat ng bumubuo ng "Ang Probinsyano," gayundin sa lahat ng mga manonood nito.

 

A post shared by Agot Isidro (@agotisidro) on

"Maraming salamat sa lahat nang nagmahal, nainis at umintindi kay Verna. I want to thank my @dreamscapeph family, everyone involved in #fpjsangprobinsyano, the cast, directors, production staff, the crew for their tireless dedication to the show. One cannot imagine the amount of hard work that we all put in the show. Pero ang walang sawa nyong pagsubaybay ay ang inspirasyon naming lahat," pahayag ni Agot.

Ipinaabot din ni Agot ang kanyang paghanga at pasasalamat sa bida ng serye na si Coco.

"You are the heart of this show. It is an honor to have worked with you again. Saludo ako sa iyo Cardo/Ador Dalisay! Maraming, maraming salamat," dagdag ni Agot.

Sa Instagram, ipinaabot naman ng Dreamscape ang pasasalamat sa mahusay na pagganap ni Agot sa sikat na serye.

 

A post shared by Dreamscape PH (@dreamscapeph) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.