Mga kapatid ni Matteo, kapamilya na ang tingin kay Sarah

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 12:17 PM | Updated as of May 17 2018 01:03 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Masaya ang mga kapatid ni Matteo Guidicelli sa relasyon nito kay Sarah Geronimo.

Sa "Magandang Buhay" sa Cebu, naging bukas ang mga kapatid ni Matteo na sina Giorgia at Paolo tungkol kay Sarah.

"She's a friend, family," sagot ni Giorgia nang matanong kung ano ang pakiramdam na nakasama niya sa kanyang kaarawan si Sarah.

Masasaya naman si Paolo na nakikitang masaya ang kanyang Kuya Matteo kay Sarah. "She's a good person. ...She's funny and she's very generous and very caring," ani Paolo.
 
Samantala, ipinaliwanag naman ni Giorgia ang naging mensahe niya kay Sarah sa Instagram. Aniya, pagpapakita ito ng suporta kay Sarah matapos itong maging emosyonal sa nagdaan nitong concert sa Las Vegas.

"It's always important to look forward to stuff in life because you know sometimes you might be busy and you might think there's no end in the road of your business. So, it's important to look forward to stuff and see that there's sunshine after all your hard work," ani Giorgia.

Ayon pa kay Giorgia, lagi siyang nagpapaalala kay Sarah at sa kanyangang kapatid pagdating sa trabaho.

"I always remind her and my brother that you know your profession does not define you, your work doesn't define you. You are you because you like to eat. You are you because you like to joke around. You know you are you because you like to have fun and go out. But not like you know, you being a superstar is not who you should be defined by," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.