Kapamilya love teams, tampok sa fan meet

ABS-CBN News

Posted at May 17 2018 08:45 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bilang pasasalamat sa kanilang mga tagahanga, magdaraos ng fan meet ang apat na Kapamilya love teams sa darating na weekend sa ABS-CBN Vertis Tent, Quezon City.

Sa Sabado, Mayo 19, makakahalubilo nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang fans simula alas-tres ng hapon habang sina Maymay Entrata at Edward Barber naman ang makikisaya pagsapit ng alas-siyete ng gabi.

Sina Maris Racal at IƱigo Pascual naman ang magpapasaya ng kanilang fans sa Linggo, Mayo 20, simula alas-tres ng hapon, na susundan naman nina Julia Barretto at Joshua Garcia simula alas-siyete ng gabi.

Hindi lang ito pagkakataon para sa mga tagahanga na makita sa personal ang kanilang mga iniidolong tambalan dahil mayroon ding mga inihandang laro at iba pang aktibidad.

Maaaring bumisita sa ktx.abs-cbn.com at sa ABS-CBN Store sa ELJ Communications Center, Quezon City para sa mga detalye ng “Just Love Araw-Araw Fan Meet.” 

Puwede ring tumawag sa ABS-CBN Events sa mga numerong 413-12-22 o 0915-036-9464, at sa KTX sa 415-22-72.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.