Anak ni Ogie na si Leila, ibinahagi ang mga hilig

ABS-CBN News

Posted at May 17 2017 12:14 PM

MANILA -- Ibinahagi ni Leila Alcasid, anak ni Ogie Alcasid ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. 

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkules, naikuwento ni Leila ang kanyang mga hilig nang matanong kung pinagarap ba niyang maging artista tulad ng kanyang ama at inang si Michelle van Eimeren.

"No, not really. Not because I didn't like it but it just wasn't something I considered kasi siyempre I was in Australia so I wasn't really that exposed to it. So I had other interests and it wasn't until I really came here and saw it myself and I thought about it. But growing up, I didn't. Before I was very academically focused. I wanted to become human rights lawyer," ani Leila.

Nang matanong kung nais pa niyang maging abogado, sinabi ni Leila na mas gusto na niyang kumuha ng English Literature.

"My passion talaga is literature in English. I feel like if I were to continue my studies, I should do something that I enjoy if I'm going to also be pursuing a different career. So I was thinking, you know maybe English Literature because that's something that I enjoy," ani Leila.

Sa ngayon ay masaya si Leila sa pinasok niyang karera. Matatandaang una nang sinabi ni Ogie na mas nais ni Leila ang pag-arte at pag-awit kaysa maging beauty queen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.