Young JV, walang isyu sa pagpaparetoke ni Miho

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 01:26 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagbigay reaksiyon na ang singer at recording artist na si Young JV sa pagpapa-beauty enhancement ni Miho Nishida na espesyal sa kaniya sa ngayon.

Walang isyu kay JV ang usaping retoke dahil suportado niya ang desisyon ni Miho.
 
"Ang sabi ko sa kanya kung saan ka masaya gawin mo. Huwag mo isipin kung ano sasabihin ng ibang tao. Kung saan ka masaya I will always be supportive. Okay na siya doon," ani Young JV.

Gaya ng modern relationships ngayon ng celebrities, ayaw bigyan ng label ni JV kung ano ang mayroon sila ni Miho.

"We don't want to give labels yet. Ayaw muna naming sabihing, 'O, tayo na.' I guess sa akin lang, gusto ko na siya muna ang magsalita," ani Young JV.

Galing si Miho sa love team nila ni Tommy Esguerra na naintindihan naman ni JV kung nag-a-adjust pa rin hanggang ngayon sa tandem nila ni Miho.

"May mga fans din, siyempre hindi naman po natin maiiwasan. Wala naman po akong issue sa kanila kaya happy lang ako," ani Young JV.

Inaasahan na mas magiging busy sina Young JV at Miho Nishida sa kanilang solo careers at inaasahan na magkakasama na rin isang proyekto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.