Jason, Nonong at Bayani, sumabak sa 'sisid-barya' challenge ng 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 01:54 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Naging game sa pagsabak sa hamon ng "Umagang Kay Ganda" ang mga komedyanteng sina Jason Gainza, Nonong Ballinan at Bayani Agbayani.

Nitong Miyerkoles, sumabak sa "Sisid-Barya" challenge ang tatlo kung saan kailangan nilang sumisid sa batyang may tubig at kumuha ng anim na barya.

Bumisita ang mga komedyante sa "UKG" para anyayahan ang mga manonood na suportahan ang pinakabagong season ng "Funny Ka, Pare Ko" sa CineMo, kung saan kasama nila si Karla Estrada.

Magsisimula ang Season 5 ng "Funny Ka, Pare Ko" sa Mayo 20. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.