For real na ba ang McLisse?

ABS-CBN News

Posted at May 15 2017 07:54 PM

Sa loob hangggang sa labas ng Pinoy Big Brother house, kitang mas naging close sina Elisse Joson at Mccoy de Leon. 

Spotted nito lang sa isang debut ang McLisse. Pero lumevel up na ba ang relationship status nila? 

''Hindi po namin alam, andoon po kami sa point na masaya kami 'pag magkasama kami. 'Yun nga po, inaalalayan ko po siya parati. Kung malungkot siya or masaya siya,'' kuwento ni Mccoy.

Para naman kay Elisse, ''Taking it slowly... Mas ok po sa akin kung dahan-dahan. Katulad kanina, every step of the way, Mccoy is there for me.''

Tinanong na nga ba ni Mccoy si Elisse para maging official girlfriend niya?

''Wala naman pong isasagot kung wala pang tanong eh! Hahahaha,'' ani Elisse.

Sinagot naman ito ni Mccoy na kailangan umano, step by step lang at nagiging 'careful' lang sila sa bawat move nila. 

Pinabulaanan naman ni Elisse ang isyu na pinaiyak siya ni Mccoy kaya hindi boto ang kanyang mommy sa aktor.

“Parang wala naman pong nangyari na umiyak ako sa dressing room! Pero lagi lang nagpapaalala si mom na dahan-dahanin ang mga bagay lalo na nakita niya sobrang close kami sa loob ng PBB. Lagi lang nagpapaalaa si mom sa amin dalawa. At wala naman po dapat ikagalit si mom.”

Pabiro namang sabi ni Mccoy, ''Baka ako pa nga umiyak eh! Hahahaha! At never naman at ayoko magpaiyak ng babae. Gusto ko ngumingiti siya sa akin.”

Kahit wala pang official label, sigurado na mas lalalim ang bonding ng McLisse dahil sa upcoming serye nila na "Kung Kailangan Mo Ako".