Tommy, inaming mahal pa din si Miho

ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 11:25 AM

Miho Nishida and Tommy Esguerra. File Photo

MANILA -- Inamin ni Tommy Esguerra na mahal pa rin niya si Miho Nishida, ilang linggo matapos nilang ipaalam sa publiko ang kanilang hiwalayan.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ni Tommy na hindi agad mawawala ang pagmamahal niya kay Miho.

"You don't just fall out of love with someone you know and no matter what happens, you always keep stuff precious," ani Tommy.

Pag-amin din ni Tommy, nanghihinayang siya sa nangyari sa kanilang relasyon na tumagal din ng isa at kalahating taon.

Lingid sa kaalaman ng iba, sinabi ni Tommy na sinubukan niyang isalba ang kanilang relasyon.

"I fought for our relationship from the beginning to the end but there comes a point when you will realize that there's nowhere to go," ani Tommy.

"I think I feel like it's just been months that we were not happy," dagdag ni Tommy na aminadong isa sa kanila ni Miho ang unang bumitaw sa relasyon.

"It's a one-sided (decision)," aniya.

Nang matanong kung ano ba ang naging dahilan ng hiwalayan, sinabi ni Tommy na may kinalaman dito ang pagkakaiba ng kanilang kinalakihan at pinaniniwalaan.

"I don't think it's just one reason. It's a culmination of many things. I think it would be like the biggest, biggest (reason), we have different values, different morals. I guess in the long run that it wouldn't play out well," ani Tommy na inaming unang naging problema nila ay ang 'di nila pagkakapareho ng wikang ginagamit.

Matatandaang si Miho, na lumaki sa Japan, ay aminadong hindi magaling mag-Ingles, samantalang hirap din naman sa wikang Filipino si Tommy na lumaki sa California.

Sa ngayon, aminado si Tommy na masakit pa para sa kanya ang naging paghihiwalay nila ni Miho.

"The hardest thing is letting go and move forward," ani Tommy.

Nang matanong kung paano siya nagmo-move on, sinabi ni Tommy: "It's a process you really have to go through emotions. Try to keep yourself busy, try to figure out what you like again, what you want to do on your own."

Samantala, hirap namang sinagot ni Tommy ang tanong kung may pag-asa ba silang magkabalikan pa ni Miho.

"As of now it's hard because I'm emotional. ... You will never know time will come, you will never be certain like, because we'll never know. At the moment I don't think so, at the moment it doesn't feel like it," aniya.

Para naman sa kanyang mensahe kay Miho, sinabi ni Tommy na hiling niya ang lahat ng magandang bagay para sa dating nobya sa kabila nang nabigo nilang relasyon.

"I wish her the best, no matter what happened in our relationship," ani Tommy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.