Hero Angeles, bibida muli sa telebisyon

ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 03:40 PM

MANILA -- Muling bibida ang aktor na si Hero Angeles para sa espesyal na kabanata ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK).

Para sa Mother's Day, gagampanan ni Hero ang isang transgender na gagawin ang lahat bilang ina sa kanyang anak.

Sa direksyon ni Dado Lumibao, makakasama ni Hero sa nasabing palabas si Bugoy Cariño.

Muling masasaksihan ang galing sa pag-arte ni Hero sa "MMK" ngayong Sabado, Mayo 11. 

Matatandaang noong Marso 2015, muling nagpakita sa "ASAP" si Hero Angeles na inaming nais niyang magbalik showbiz matapos ang ilang taong pagpapahinga.

Si Hero ay gumawa ng pangalan sa showbiz matapos niyang manalo sa "Star Circle Quest" noong 2004. Kinilala din ang kanyang naging tambalan kasama si Sandara Park na ngayon ay sikat na Korean star.

Nobyembre noong nakaraang taon ay sumabak na rin si Hero sa "MMK," kung saan bida ang aktres na si Andrea Brillantes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.