Iza, walang problema sa petsa ng kasal

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 09 2017 12:03 PM

MANILA -- Magkasamang lumakad sa red carpet premiere ng pelikulang "Bliss" ang bida na si Iza Calzado at long-time boyfriend nito na si Ben Wintle.

Dito nilinaw ng aktres ang balitang magpapakasal na umano sila sa 2018 ngayong nagpa-book na raw sila ng pari para sa kanilang wedding day.

"Bahala na," ani Iza. "Hindi ako (nagsabi); ang manager ko, siya ang may sala. Kinlaro ko lang na hindi pa po naka-book 'yun (kasal). Naka-book lang po ang pari pero hindi pa po ako engaged."

Malapit na kaibigan nina Iza at Ben ang showbiz couples na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo at sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kaya nagkatuksuhan na raw ang kanilang grupo na dapat na silang sumunod kina Juday Ann at Ryan.

"Hindi natin alam kung kailan, pero I would be so honored if I were to be wed on that date, auspicious date. But I think any date would do as long as it's with Ben," saad ni Iza.

Kung arangkada sa love life si Iza, blessed din ang career ng aktres lalo pa't bumaba na sa R-18 ang kanyang pelikulang "Bliss" na nagbigay parangal sa kanya bilang best performer na Yakushi Pearl Award sa Japan.

"Masaya, excited na kinakabahan ako kasi malapit na ipalabas. Siyempre it's been getting good reviews but I hope that good reviews will also translate to good numbers," ani Iza.

Mapapanood na ang pelikulang "Bliss" simula sa Mayo 10.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.