ABS-CBN News

Jaclyn Jose: Albie destroyed Andi's life

Posted at | Updated as of 05/09/12 3:16 AM

MANILA, Philippines – Actress Jaclyn Jose refuted the claim of Albie Casino's mother that the mauling of her son was masterminded by Andi Eigenmann.

In an interview with Showbiz Central on Sunday, Jose admitted that she feels bad that her daughter is being dragged even further into the issue when all she did was spill wine at the actor's face.

“Alam mo kinwento naman sa akin ng anak ko. Siyempre tatanungin ko siya dahil umaga pa lang ay ang dami ko ng phone calls. Ang anak ko nagsasabi ng kahit anong  nangyayari sa buhay niya. So she told me everything about what happened. Sinabi niya sa akin, nagpa-party siya. Pumunta siya doon sa birthday, tapos all of a sudden, nakita niya si Albie face to face for a long, long time at ang sama pa ng tinigin sa kanya at nag-curse pa sa kanya," she said.

"So nangigil siya, parang nanginig ang laman niya, umakyat ‘yung dugo sa kanya, naitapon niya ‘yung wine sa mukha ni Albie dahil sa ang sama pa ng tingin akala mo kung sino. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ni Andi dahil alam ko kung paano ‘yang lalaking ‘yan, kung paano ‘yang batang ‘yan sa anak ko.”

She said that after splashing wine on Alibie's face, Eigenmann started to cry.

"Umiyak siya dahil sa sama ng loob, dahil parang ang feeling niya, ‘bakit ganito itong lalaking ito?'. May anak siya sa anak ko, eh pero every time na makikita niya (si Andi) kung hindi niya murahin, tinitingnan niya ng masama.”

Jose said that she does not understand why Albie's mother would accuse Andi of instigating the mauling against her former boyfriend.

“Bakit niya pini-pinpoint ang anak ko? Bakit niya idinidiin ang anak ko? Walang kinalaman ang anak ko sa bugbugang naganap sa anak niya. Kung sino man ang bumugbog kay Albie, eh di alamin niya, alamin nila.'

"Pero nandoon sa loob ng Fiamma si Andi when  it happened. Lumabas pa nga si Andi noong nalaman nya na si Albie daw binubugbog sa labas. Lumapit siya pero tinulak siya at minura pa siya.”
 
Jose said that she's not fully aware if Eigenmann knows who ganged up on Casino. 

“Hindi ko alam kung kilala ni Andi o hindi. Marami siyang mga kabigan doon. Alam mo kapag  pupunta ka sa isang lugar makaka-bump ka sa mga people na kilala mo. She probably knows everyone there, or if not everyone, most of them, hindi ba ganoon naman, kilala niyo ang isa't isa dahil nagkikita kayo once and a while. Pero hindi ko alam kung kaibigan niya o kilala niya ba, o paano niya ba kakilala."

The award-winning actress said that what is important now is to find who really attacked Casiño and to stop blaming Eigenmann.

"Sino ba ang nambugbog? Ang importante (ay malaman) kung sino ba ang gumawa (ng pambubugbog). May sinasabi si Mrs. Casiño na walo at idinidiin niya ang anak ko na parang nag-utos. Hindi totoo yan. Kung plinano ni Andi ‘yan hindi diyan at hindi ngayon, noon pa.”

“Maraming atraso ‘yang Albie na ‘yan sa anak ko. Binuntis niya ang anak ko, ‘di ba? Iniwanan niya noong nabuntis. Sinira niya ang buhay ng anak ko. Maraming siya sakit na ibinigay sa akin bilang ina (ni Andi).

Jose said that her daughter feels really bad that Casiño and her mother is tagging her in the brawl incident.

"Siyempre masamang-masama ang loob niya dahil nadadawit siya at pini-pinpoint siya na siya ang mastermind. Ano ang anak ko, hoodlum, goons? Nananahimik ang anak ko. Hindi ko alam kung ano ang problema nilang mag-ina, ang ingay-ingay nila. Nananahimik kami. Alam mo kanit ano ang ginawa nila sa amin,wala silang narinig. Hindi naman kami naghahabol tungkol sa pagiging... Inaalagaan namin si Ellie nang kami lang. Binubuhay namin ang anak ni Andi nang kami lang. Hindi kami humihingi ng tulong sa kanila o ng kahit na ano. Nananahimik  kami dito nagpapalaki ng bata.”
 
“Si Mrs. Casiño, huwag niya kalilimutan baka dumating ang araw na kainin niya lahat ang sinabi niya at lapitan niya itong apo ko. Apo niya ‘to, eh, pero kung makapagsalita siya sa anak ko, sa mommy ng apo niya ganyan na lang.”

"Sa akin ayaw ko na sanang magsalita kaya lang ang gusto ko lang proteksyunan dito ay ang apo ko. Pangit naman marinig niya sa kaklase niya pagdating ng araw na yung 'nanay at tatay mo ganito ganyan at yung iyong lola ganito ang pinagsasabi sa iyo.' Ano bang klaseng pagpapalaki ang gagawin ko kay Gabrielle kung ganitong klase ang maririnig ko sa mag-inang yan, pwede ba tigilan na nila kami, tutal tahimik naman kami," she said.

In the interview, Jose told Casino's family to leave her daughter alone.

“Gawin nila kung ano ang dapat na gusto nilang gawin sa nangyari sa anak nila at ako gagawin ko rin ang dapat kong gawin para sa anak ko. Na-agrabyado ang anak ko nu’ng gabi na ‘yon pero wala kaming ginawa.”

"Hanapin nila free country ‘to, hanapin nila kung sino ang gumawa. Alamin natin kung sino ang gumawa. Bahala sila. Hindi naman ang anak ko ang gumawa. Hindi naman ang anak ko ang nambugbog. Wala namang kinalaman ang anak ko sa bugbugang ‘yan. Bakit nila idinidikit ang pangalan ni Andi? Porke nagkataon na nandoon si Andi that night.”

Before ending the interview, Jose also encouraged people to check on Casiño's background.

“Mag-check na lang kayo ng background ni Albie, kung paano siya, kung ano siyang klaseng tao. You’re free and everybody is free to check on Albie’s background, character check.”

“Nagkataon lang siguro na nandoon si Andi that night pero wala bang may galit kay Albie? Kung makikita n’yo ‘yung Formspring niya kung papaano siya maghamon ng tao, ‘suntukan tayo’, ‘punta ka,’ etcetera. The way he  talks to people, the way he talked to Ralph (Mark Gil's nickname), kung paano niya pinagmumura si Ralph at kung paano niya hinamon si Ralph ng suntukan na tatay ni Andi. Ganoon siya na klaseng tao.

“Baka naman maraming galit sa kanya hindi (nga lang) natin alam.  Alamin rin ni Mrs. Casiño  kung sinu-sino ang mga galit sa anak niya. Baka naman nagkataon lang na nandoon ang anak ko at nangyari ang insidente. Ako lang galit na galit sa kanya.