Raymond, ayaw 'mapag-iwanan' kaya nagpapayat

ABS-CBN News

Posted at May 05 2017 07:01 PM

 

A post shared by Mond Gutierrez (@mond) on

Inamin ni Raymond Gutierrez na ayaw niyang mapag-iwanan bilang 'party boy', samantalang seryoso sa kanilang #fitnessgoals ang kanyang mga kaibigan, kaya nagsimula siyang magpapayat, kuwento niya sa 'Headstart' ng ANC noong Biyernes. 

"I was so unhappy before, and what's nice about this is that I've rekindled friendships with some friends of mine. I became the 'party boy', and they kind of took their lives seriously with their fitness and their health. I didn't want to be left behind as the party boy."

Kaya simula nang magseryoso siya sa kanyang 'fitness journey', muling tumibay ang relasyon niya sa kanyang mga kaibigan. Ang bonding time nila: pagwo-workout. 

"For me, to start working out with them, and seeking their help, it kind of rekindled my friendships with Belle, Solenn, Anne, and Erwann, because now, we actually work out together. It became like a group hangout." Ang kanyang mga tinutukoy dito ay ang mga kaibigan niyang sina Isabelle Diaz, Solenn Heusaff, Anne Curtis, at Erwann Heusaff. 

Madalas siyang nagba-boxing at nag-i-indoor cycling kasama sina Solenn at Daza. Tumatakbo naman sila madalas ni Curtis. Sa katunayan, nagdiwang siya ng kanyang kaarawan na nagwo-workout kasama ang mga kaibigan niya.

"It's important to find a group of friends that will inspire you, that will encourage you. If you have a friend who likes to work out, align yourself with them... It really helps a lot to have a support system," dagdag niya.

Itinigil na rin niya ang pag-inom ng alak, at pagkain ng karne at kanin. 

"Instead of rice, I would have sweet potato. Then in January, chicken and fish na lang. Then by Feb, I cut chicken na rin and just focused on fish," he said. 

Hindi na rin siya kumakain ng chichirya. Sa halip, mani na lang ang ipinapalit niya rito. 

Ngayon, 65 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang. 

Tip ni Raymond sa mga nais magpapayat: matutong maghintay at maging dedikado sa ginagawa. 

"Take your time, but make sure that you are dedicated. Make sure that you are passionate about it. And make sure that you are consistent."

Kailangan ding maging seryoso at itatak sa isip na ito ay ginagawa para sa sarili.

"If you don't dedicate yourself to it, if you're not focused 100%, then you are going to let go, you might get too busy again. Then you will start all over," ayon kay Raymond.