Miho, lumuha dahil sa anak na si Aimi

ABS-CBN News

Posted at May 05 2017 12:48 PM

MANILA - Hindi mapigilan ni Miho Nishida na maluha nang mapag-usapan ang anak na si Aimi na napalapit na rin sa dating nobyong si Tommy Esguerra. 

Sa pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, lumuha si Miho nang mabanggit na ang kanyang pamilya, mga tagasuporta at anak niyang si Aimi ang pinaghuhugutan niya ng lakas para ipagpatuloy ang buhay.

"Sa kanila po ako humuhugot ng lakas, lalong lalo na po sa anak ko. Nandiyan po kasi lagi sila. So malaki ang pasasalamat ko sa kanila," ani Miho.

Pag-amin ni Miho, hindi pa niya nasasabi sa anak ang naging paghihiwalay nila ni Tommy.

"Actually hindi ko pa po nasasabi sa kanya na wala na kami, parang ang hirap. Parang paano? Hindi ko alam. Pero alam niya ang sitwasyon, kumbaga di na lang siya nagtatanong," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.