"Kinatay" entry in Cannes won't be shown in RP


by BOY VILLASANTA | 05/02/2009 10:28 PM

Nakapanghihinayang kung hindi ipapalabas sa Pilipinas ng mahusay na direktor na si Brillante Mendoza ang kanyang pinakahuling lahok sa main competition ng Cannes Film Festival ngayong taong ito, ang “Kinatay (The Execution of P).”

Ito ay bilang protesta sa maraming kawirwiran sa industriya ng pelikula sa bansa.
           
Una ay sa usapin ng sensura.
           
Matatandaan na kinatay ng sensura ang kanyang “Serbis” na opisyal ding lahok ng Pilipinas sa Cannes 2008 samantalang mga simbolo lang ng kabulukan ng lipunan ang mga eksena sa pelikula.
           
Hindi naintindihan ng mga kinauukulan ang pelikula.

Ikalawa ay ang parang bale-walang aktitud ng industriya mismo sa “Kinatay…”

Na parang gano’n-gano’n lang ito samantalang karangalang umaatikabo ng bansa ang pagkakasali nito sa isang prestihiyosong pestibal.

                                                                        ***

Marami nang mapapait na karanasan si Brillante sa pagdadala niya ng karangalan sa Pilipinas. Hindi naman sa sarado ang kanyang utak sa mga kritisismo pero malisyoso naman ang ibang banat sa kanya, kabilang sa “Serbis,” kahit nakaangkla sa propesyonalismo at obhektibo kuno.

Napaluwalan na niya ang pamasahe ng kanyang delegasyon noong isang taon—airplane fare nina Gina Pareño, Jaclyn Jose, Mercedes Cabral, Julio Diaz, Coco Martin at iba pa—pero hanggang ngayon ay hindi pa niya nasisingil sa Film Development Council of the Philippines ang pangako nitong budget dahil nagastos na umano sa ibang kompromiso.

                                                                        ***

Ang sabi nga ng respetadong miyembro ng Young Critics Circle na si Nonoy Lauzon ay nais niyang mapanood na ang integral version ng “Kinatay…” para magawan na niya ang rebyu pero hindi niya sa mga diyaryo sa Pilipinas susulatin kundi kahit sa web o sa internet na iikot sa buong mundo at paglalawayin niya ang mga Filipino sa pelikula.

Kahit hindi pa napapanood ni Lauzon ang obra ay nahihinuha niya itong tungkol sa pagkatay sa mga obra ng sining bagamat ang literal na tinatalakay ng pelikula ay ang pag-chop chop sa isang babaing inakusahang estafadora na si Maria Isabel Lopez na iniimbestigahan ni Coco Martin bilang criminologist.

Saksakan na naman ng simbolismo ang pelikula.

                                                                        ***

Tanong ni Lauzon, bakit hinahayaan ng mga Filipino na basta na lang babuyin ang mga obra maestra ni Mendoza, kilala rin sa tawag na Dante Mendoza.
           
Kung gayon ay walang karapatan ang mga ito na makapanood ng magandang pelikula na hinahangaan sa Cannes kung hindi maipaglalaban ang kabuluhan nito.

                                                                        ***

Tuwang-tuwa naman si Maria Isabel sa kapalaran ng kanyang pelikula kay Mendoza. Kauna-unahan niya itong pagsali sa Cannes.

Nasa US ngayon si Lopez kasama ang kanyang mga anak na sina Mara Isabella Lopez Yokohama at Ken Yokohama.

Naka-post sa kanyang Facebook ang excitement sa development sa kanyang career.

Vindication nga ba ito nang siya ay sapilitang paalisin sa panonood ng Binibining Pilipinas beauty pageant sa Araneta Coliseum kamakailan samantalang siya ay may karapatan na manood hindi lang bilang ordinaryong Filipino kundi bilang past winner ng Binibining Pilipinas-Universe.

Hindi pa ani Maribel siya tinatantanan ng mga kinauukulan na siya ay naghubad sa pelikula pagkatapos niyang manalo sa timpalak?
           
Pero, e, ano naman kung siya ay nag-bold?
           
Kaipokrituhan ng mga naghaharing-uri ang pananaw na ito.

                                                                        ***

Kampi naman kay Maribel si Pilar Pilapil na kahit nasa US din ngayon ay nauunawaan ang katayuan ng kapwa Binibining Pilipinas.

Bibisita si Pilar sa kanyang mga kapatid at ina sa Amerika.

Sa May 27 ang kanyang balik at handa na naman siyang humarap sa kamera.
             

as of 05/02/2009 10:28 PM



Entertainment Video


More Videos


Tower 1


Tower 2


Storypage Ad zedo