Pinoy films tampok sa Italian film festival

Mye Mulingtapang, ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Apr 27 2018 10:08 AM

The Philippine delegation to the Far East Film Festival in Udine, Italy. Photo courtesy of Girlie Rodis

UDINE, Italy – Nag-premier ang tatlong pelikulang Pilipino na lumaban sa Far East Film Festival sa Udine na nagsimula noong Abril 20 hanggang 28.

Kasama ng black comedy na "Chedeng at Apple" sa premier ang crime film na "Smaller and Smaller Circles" at ang musical drama na "Ang Larawan."

Sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng Philippine cinema ay pinangunahan ng Film Development Council of the Philippines ang delegasyon ng filmmakers, actors at members ng academe sa 20th edition ng Far East Film Festival.

Proud na proud naman ang "Ang Larawan" actresses at producers na sina Celeste Legaspi at Rachel Alejandro na nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ang galing ng Pilipino sa paggawa ng mga dekalidad na pelikula.

“I love that all 3 films are so different and represent a different part of the culture. So you know it’s nice. So we’re now giving like an option. We’re presenting our country and our culture in so many different ways,” sabi ni Alejandro.

Sa kabila ng pabagu-bagong trend sa pelikula ay kayang makipagsabayan ng bansa sa mga international films.

“We ‘re very happy that technically the country, the industry in the Philippines, has really gone very far. The sound, the editing, the special effects and we can proudly say we can really produce very excellent films,” sabi naman ni Legaspi.

Ayon sa veteran actress na si Elizabeth Oropesa, sa kabila ng tagumpay ng Filipino movies na naipapalabas sa ibang bansa, kailangan pa rin palakasin ang popularidad ng mga ito sa Pilipinas.

“The Philippines is missing a lot. We are being honored in other countries but not enough acknowledgement for us in our own country,” sabi ni Oropesa.

Dagdag pa ni “Ang Larawan” director Loy Arcenas na mayaman ang Pilipinas sa magagaling na filmmakers at actors pero kaunti lamang ang nabibigyang pansin.

“We are really trying to find a niche…and I wish people back home would pay more attention kasi marami tayong maibibigay,” aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.