Kiefer Sanchez, kampeon pa rin ng 'Tawag'

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2017 04:03 PM

Si Kiefer Sanchez mula sa Davao ang nananatiling kampeon sa "Tawag ng Tanghalan Kids."

Nitong Biyernes, nagawang depensahan ni Kiefer ang ginintuang mikropono mula sa daily winner na si Cassandra Casimiro sa pag-awit niya ng "Blue Bayou."

Nakakuha si Kiefer ng 93.2% mula sa mga hurado, laban sa 91.2% ni Cassandra na umawit ng "Somewhere."

Matatandaang sumali si Kiefer sa "Tawag ng Tanghalan" para matulungan ang kanyang mga magulang at makita ang sarili sa telebisyon. 

It's Showtime, April 21, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.