Jodi, ibinahagi ang mga aabangan sa bagong pelikula

Jeff Fernando , ABS-CBN News

Posted at Apr 19 2017 12:32 PM

MANILA -- Mula sa success ng Star Magic tour sa America at Canada, balik-Pilipinas na si Jodi Sta. Maria at game na sumabak agad sa pictorial para sa bagong pelikula na "Dear Other Self."

Excited na si Jodi sa bagong project na nagkaroon pa ng shooting sa Thailand kasama ang kanyang leading men na sina Joseph Marco at Xian Lim. 

"May mga scenes kami na-shoot with Xian and saka ni Joseph sa Thailand kasi 'yung character (ko na si ) Becky pumunta doon. Masaya siya, sobrang init nga lang. May mga eksena kami doon kung saan nakalaro namin 'yung elephant, pinaliguan namin siya," ani Jodi.

At ang mas kaabang-abang daw sa pelikula ang showdown ng abs nina Joseph at Xian.

"Ay oo! Siguro 'yun ang pinakaaabangan nila paramihan ng pandesal," ani Jodi.

Ayon pa kay Jodi, malapit na rin siyang mapanood sa teleserye.

"Definitely yes magbabalik telebisyon na tayo this year. Nag-guest naman tayo sa 'MMK' pero siyempre iba pa rin 'yung teleserye," ayon kay Jodi.

Bilang mommy, proud siya sa achievements ng kanyang anak na si Thirdy lalo na pagdating sa pag-aaral nito. 

"Kung iisipin mo nga parang wow parang kung walang K-12, first year high school na 'yun. Talagang may binata na ako parang iniisip ko wow time flies so fast ," ani Jodi.

Wala nang gustong hilingin pa si Jodi sa mas gumagandang estado ng kanyang career at personal life.

Ang mahalaga daw ay magtuloy-tuloy ito para na rin sa kanyang anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.