Liza, natuwa sa pag-tweet sa kanya ni Christian Navarro

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2017 11:56 AM

MANILA -- Hindi maitago ng Kapamilya na si Liza Soberano ang saya nang mag-reply sa kanyang tweet ang American TV actor na si Christian Navarro.

Nag-post si Liza tungkol sa bullying na topic sa episode ng American series na "13 Reasons Why" at sinabing fan talaga siya ng palabas.

Biglang sumagot sa kanyang tweet ang isa sa mga bida ng series na si Christian.

Nagpasalamat si Christian kay Liza sa panonood niya ng series. 

Hindi naman makapaniwala si Liza na pinansin siya ng aktor. 

Umagang Kay Ganda, April 18, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.