Young JV, ibinahagi ang estado ng relasyon nila ni Miho

ABS-CBN News

Posted at Apr 17 2018 01:11 PM | Updated as of Apr 17 2018 01:26 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- "Exclusively dating."

Ito ang tugon ni Young JV sa tanong kung sila na nga ba ni Miho Nishida.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, nagsalita si Young JV at Miho tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

"Dating na po kami. Exclusively dating. Very happy po kami," ani Young JV na sinang-ayunan din ni Miho.

Ayon kay Miho, nagustuhan niya ang pagiging matapat ni Young JV. "Honest siya. Hindi siya showbiz," aniya.

"Very upfront na tao, kung ano ang napi-feel niya sasabihin niya," sagot naman ni Young JV patungkol kay Miho.
 
Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" si Young JV at Miho para anyayahan ang mga manonood na suportahan ang awitin na "123."

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.