John Prats ididirek ang concert ni K Brosas

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 12:04 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Excited na humarap sa entertainment media sina K Brosas at ang kanyang concert director na si John Prats para sa “18K” na unang solo at major show ni K Brosas matapos ang walong taon.

Sulit naman daw ang ipinaghintay ng kanyang followers dahil hands-on si K sa bawat magaganap sa palabas.

Kinarir at pinaghandaan ang bawat musical numbers na si K rin mismo ang nakaisip ng concept.

“Buong show alam ko na eh. Hindi ko alam kung bakit, kung may pagka-clairvoyant ako or talagang siksik gigil ko lang na magka-concert. Alam ko na ang vision ng concert,” aniya.

Challenge naman para kay direk John na mai-mount ng bongga ang mga ideas ni K.

“Kailangan ibigay ko ang dream concert niya kasi gigil talaga siya. Totoo 'yung sinasabi ni Miss K. Alam niya kung ano ang gusto niya. Ang tagal niyang hinintay for this moment to come and ang challenge for me is matapatan ko visually 'yung mga gagawin niya,” ani John.

Malaki naman ang pasasalamat ni K sa kanyang mga showbiz at non-showbiz friends na susuporta sa kanya. Special mention ang mga kasamahan sa “Umagang Kay Ganda” sa mainit na suporta nito.

“Of course, 'yung mga friends ko sa ‘Umagang Kay Ganda,’ alam niyo na. Sila ang unang mga bumili ng tickets, pati sa ‘Showtime’ sila Viceral (Vice Ganda), 'yung mga mga friends ko sa showbiz at hindi at sana pati yung mga detractors ko,” ani K.

Mapapanood ang “18K” concert ni K Brosas sa April 28 sa Kia Theater.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.