'I still have nightmares': Bianca, nagsisikap mag-move on sa pinagdaanang trahedya

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 03:55 PM | Updated as of Apr 18 2018 08:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patuloy na nagsisikap ang beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo na makapag-move on sa pinagdaanang pagsubok sa dagat sa Antique. 

Pero inamin niya na nakararanas pa rin siya ng anxiety attacks at bangungot kaugnay sa insidente.

"I'm back working, alive and kicking, tuloy ang buhay. Second life ko na so make the most out of it," sabi ni Manalo sa panayam sa gitna ng pagpapakilala sa mga kandidato ng Mr. and Miss Hannah’s World Ecotourism sa SM Aura, Taguig noong Sabado.

Isa si Manalo sa mga nagsilbing hurado na pumili sa mga kandidato.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, ikinuwento ng 30 anyos na si Manalo na nakikipagkita rin siya sa isang psychologist para sa kaniyang paggaling at paglimot sa insidente.

"I'm seeking help from my psychologist. The last time I had a two-hour session with her and sometimes sinasabi naman niya na 'di talaga madali," ani Manalo.

May mga pagkakataon kasing nakararanas siya ng anxiety attacks at bangungot kaugnay sa insidente.

"Noong isang araw, 'yong dream ko nasa dagat ako, hinihila ako ng whale. Kaninang umaga, dream ko nalulunod ako sa dagat. So lahat may dagat-related pa rin," sabi ni Manalo.

"I know one day at a time, this too shall pass," dagdag niya.

Tumaob noong Marso 29 ang sinasakyang bangka ni Manalo at ng kaniyang mga kasamahan sa dagat na sakop ng Antique. Bunsod nito'y nagpalutang-lutang sila ng tatlong oras sa may dagat bago masaklolo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.