Carlo, Angelica balik-tambalan sa big screen

ABS-CBN News

Posted at Apr 16 2018 11:53 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Magbabalik-tambalan sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban sa isang Star Cinema movie.

Ayon kay Carlo, magsisilbing direktor ng kanilang reunion project si direk Dan Villegas.

May kaunting kilig at may kaunting sakit ang magiging kuwento nito.

Dating magkarelasyon sina Carlo at Angelica.

Dahil pareho na silang single, umaasa ang kanilang mga tagahanga sa posibilidad na magbalikan ang dalawa.

Huling nagsama ang dalawa sa isang episode ng “Maalaala Mo Kaya.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.