Darren, Jed nagsama sa isang recording

ABS-CBN News

Posted at Apr 03 2017 04:21 PM

MANILA -- Sa unang pagkakataon ay nagsama sa isang recording sila Jed Madela at Darren Espanto.

Sa pagbisita nila sa "Umagang Kay Ganda" nitong Lunes, ibinahagi ng dalawa ang kanilang karanasan sa pagiging parte ng album na "Life Songs with Charo Santos" kung saan inawit nila ang "I'll Be There."

"Ang saya po. Siyempre ito ang unang-unang collaboration namin na recorded. Nag-perform na kami sa ibang shows, pero ito 'yung first na ginawa namin," ani Jed.

"It's a pleasure always. Siya po 'yung isa sa mga idolo ko sa industry. So it's nice to have a collaboration that will last a lifetime kasi recorded po ito," ani Darren.

Ani Jed, maliban sa galing sa pag-awit ni Darren, hanga din siya kung paano makitungo si Darren sa kanyang mga tagahanga.

"Sa kanya sobrang humahanga ako sa kanyang passion sa pagkanta, 'yun ang natutunan ko. Siyempre everybody learns from everyone. Sa kanya naman he loves his job, he loves what he does at nakikita ko sa performance niya at isa sa hinahangaan ko sa kanya, he really loves the people who supports him," ani Jed.

Maliban sa pag-promote ng album ay busy ang dalawa sa kani-kanilang shows.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.