Leila Alcasid, kalokalike nga ba ni Selena Gomez?

ABS-CBN News

Posted at Mar 30 2017 11:35 AM

Leila Alcasid and Selena Gomez. File/Composite

MANILA -- Walang nakikitang masama si Leila Alcasid sa mga nagsasabi na kamukha niya ang sikat na international artist na si Selena Gomez.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, sinabi ni Leila na naniniwala siyang ang pagiging magkahawig nila ng "Love You Like A Love Song" singer ay isang papuri para sa kanya.

"I'm on it. I think she's stunning and I've always looked up to her like a public figure. I think it's a compliment," ani Leila, anak ng singer na si Ogie Alcasid sa dating asawang si Michelle van Eimeren.

Sa ngayon ay puspusan ang pag-aaral ng Tagalog ni Leila bilang parte ng kanyang pagpasok sa show business.

Aniya, kasama sa tumutulong sa pag-aaral niya ng Tagalog ay ang amang si Ogie.

"It's really hard because my dad speaks a lot of English in the house. Lately like few days ago, we are discussing that you really need to learn. Now he speaks to me in Tagalog. I'm trying to speak Tagalog but I'm experiencing the 'nosebleed,'" biro pa ni Leila.