Noven, mainit na sinalubong sa pagbalik sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2017 12:17 PM

MANILA -- Sa airport pa lang ay dama na ang excitement ng mga taga-Negros Occidental sa pagbabalik ng kababayang si Noven Belleza, ang kauna-unahang grand champion sa "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime."

Nag-caravan si Noven patungo sa kanyang hometown sa Victoria City kung saan may inihandang homecoming program sa Victoria's Plaza.

Nasa 12,000 ang nagpakita ng suporta kay Noven. Bilang pasasalamat kinanta ni Noven para sa mga kababayan ang kanyang winning song na Air Supply medley.

Sabi ni Noven, sobrang saya niya sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga kababayan.

Babalik din ngayong araw sa Manila si Noven at muli siyang mapapanood sa "ASAP" sa Linggo.

Umagang Kay Ganda, Marso 21, 2017