Marco ng 'PBB,' inamin ang damdamin para kay Kisses

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2017 01:24 PM

MANILA - Hindi naitago ni "PBB: Lucky 7" first runner-up Kisses Delavin ang kilig sa mensaheng isinulat at binasa mismo ng kapwa housemate na si Marco Gallo.

Nitong Huwebes sa "Magandang Buhay," inamin ni Marco ang espesyal na damdamin para kay Kisses sa pagbasa niya ng kanyang sulat.

"Salamat sa lahat ng moments of happiness that I had with you inside the house. I will make it a treasure. When you've been totally honest in the truth and lie episode, I realized how much you are unique and different from the others," ani Marco.

"I think that to be fair with you, I have to be honest, too. Yes, Kisses, I'm a little bit jealous when I see you with others. I really don't know why and wala akong sinasabi kasi sino ba naman ako para mag-jealous? And I'm trying to find out why. But until then I am happy to support you all the time. I will always be there like Flash. When you need me, I'm there. Your Flash, just one call away. Mag-ingat ka and God bless you."

Nang tanungin ng hosts ng "Magandang Buhay" kung kanino ba siya nagseselos, inamin ni Marco na nagseselos siya sa lahat ng nakakapareha ni Kisses.

Matatandaang sa loob ng Bahay ni Kuya ay nauna nang inamin ni Kisses ang kanyang damdamin para kay Marco.

Sa huli ay nagpasalamat naman si Kisses sa ginawang pag-amin ni Marco.

"Thank you Marco, sobrang thank you. Na-touch po ako," ani Kisses.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.