Tony Labrusca, bakit nga ba ayaw tawaging 'daddy' si Boom

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 12:39 PM | Updated as of Mar 15 2018 08:32 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA-- Isa si Tony Labrusca sa mga miyembro ng 2018 Star Magic Circle na inilunsad nito lamang Linggo.

Dito muling nabuksan at naitanong kay Tony, 22, kung bakit hindi niya tinatawag na daddy ang kanyang biological father na si Boom Labrusca.

"I think you know after years of not being with my biological father, I mean people have to give it to me na. It's weird to call him my dad. I think, at first, I have to build a relationship with him first, which we have naman. My biological dad has taught me so much about showbiz," ani Tony.

Dagdag pa ni Tony, malaking biyaya na muli silang nagiging malapit ng kanyang ama sa ngayon dahil aktibo siya sa pag-aartista.

"People like the drama, people like to think that maybe there's something between us... Pero I really appreciate him being back in my life. So it's a blessing," ani Tony.

Bilang miyembro ng Star Magic Circle 2018, mas kinakabahan si Tony sa comparison at negative comments na maaring ipukol sa kanya.

"You know I think sometimes, showbiz makes people feel that it's like always a competition. So I'm a little bit nervous about that aspect," ani Tony.

Ganoon pa man asahan na mas darami pa ang projects ni Tony dahil nagpakita siya ng husay sa katatapos lang na serye na "La Luna Sangre."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.