Pamilya ni Pia, boto nga ba kay Marlon?

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 11:58 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Suportado ng pamilya ni Pia Wurtzbach ang kanyang relasyon sa racer na si Marlon Stöckinger.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ipinaabot ng kapatid ni Pia na si Sarah Wurtzbach-Manze sa isang video message ang suporta nito kay Marlon.

"Sinabihan ko si Pia na, 'Uy alagaan mo si Marlon.' Kasi mabuting tao talaga si Marlon and sobrang click kami, gets namin 'yung isa't isa. So, botong-boto ako talaga kay Marlon. As in sobrang love ko siya, like Marlon is the best," ani Sarah.

Pag-amin ni Pia, natutuwa siya na boto ngayon ang kanyang pamilya kay Marlon, hindi tulad ng mga dati niyang naka-date.

"Actually they really get along and natutuwa naman ako. Kasi ang kapatid ko, although younger siya sa akin, istrikto ang dating niya na parang minsan siya na ang ate ko. Tapos marami rin akong naka-date na hindi niya masyadong gusto. Sasabihin niya, 'Hindi ko 'yan gusto for you.' So very vocal siya and very honest. Pero in this case buti na lang at nagkakasundo sila. Kasi ang hirap naman talaga kung hindi type ng family mo 'yung boyfriend mo, hindi ba?" ani Pia.

Maliban sa kanyang kapatid, kinamusta rin ng ina ni Pia si Marlon sa isang sulat na binasa mismo ng beauty queen na ngayon ay bida na sa pelikulang "My Perfect You" kasama si Gerald Anderson para sa Star Cinema.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inamin ni Pia na kahit noong lumalaban siya sa Miss Universe, ang makabalik sa ABS-CBN ang naiisip niya.

"ABS-CBN pa rin ang nasa isip. Kasi tinawag 'first runner-up' akala ko wala na. Binigyan na ako ng flowers dinala na ako sa bandang likod kasi doon dinadala ang mga runner-up. Habang naglalakad ako pabalik, naisip ko, 'Sayang kaunti na lang eh, pero okay na rin 'yon, siguro naman may babalikan akong career sa ABS-CBN, hindi ba? Nakita na rin naman nila ako sa Miss Universe, okay na 'yon.' 'Yun talaga ang nasa isip ko, kinomport (comfort) ko ang sarili ko thinking na kahit na firt runner-up ako, puwede naman siguro akong bumalik sa ABS-CBN," kuwento Pia.

Pero bumalik sa entablado ang host nito na si Steve Harvey at inamin ang pagkakamali at si Pia ang totoong nanalo bilang Miss Universe at hindi ang kandidata mula sa Columbia.

Ayon kay Pia, malapit siya Kapamilya network dahil dito siya nagsimula.

"Dito na ako lumaki talaga. Dito rin ako nag-aral. Dati mayroong ABS-CBN Distance Learning Center, graduate ako diyan. Parang dito na ako nakatira noon," ani Pia.

Pagbabahagi pa ni Pia, naiisip niyang bumalik sa showbiz at sa ABS-CBN noong siya ay nag-aaral pa ng culinary sa England.

"Naisip ko, bakit ba ako nagluluto rito, dapat nasa 'ASAP' ako ngayon. Kaya ko na-realize na gusto ko talagang bumalik sa showbiz, kasi kahit na may ginagawa na akong iba roon ay ito pa rin ang naiisip ko. 'Yun talaga ang naiisip ko literal. Kapag nagluluto ako dapat nag-a-'ASAP' prod ako ngayon," dagdag ni Pia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.