Jolo at Jodi, kailan nga ba ikakasal?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 12:42 PM | Updated as of Mar 15 2018 08:32 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Balik-action movie si Jolo Revilla, matapos mamahinga ng halos limang taon.

Malaki ang pasasalamat ni Jolo Revilla sa action teleserye na "Ang Probinsyano" dahil muling nabuhay ang interest ng mga manonood sa panonood ng action genre na bubuhayin naman nila sa pelikulang "72 Hours."

"Nakita naman natin na sunod-sunod na after nang lumalabas sa telebisyon na talagang tinatangkilik na ng mga Filipino," ani Jolo.

Kasama nang paghahanda ng birthday ni Jolo sa Marso 15, isang charity activity ang kanyang ginawa kasama ang nobya na si Jodi Sta. Maria.

"Nagpunta kami sa Rosario, Cavite. Doon ginawa 'yung first leg ng birthday week celebration ko. Isang relocation site siya na galing 'yung mga tao from Tacloban," kuwento ni Jolo.

Dito sinabi ni Jolo kung ano ang iniregalo ni Jodi sa kanya. "Gift niya sa akin? Siguro wala na akong kailangang hilingin sa kanya," ani Jolo.

Blessing din para sa actor-politician ang pagdiriwang ng 91 years na kaarawan ng kanyang lolo na si Ramon Revilla na maayos ang kalusugan ngayon.

"Very thankful because he's very healthy and maraming salamat sa pagdarasal ng marami ng ating mamayang Filipino dahil sa kanyang patuloy na pagiging malakas," ani Jolo.

Dahil hindi itinatago na "asawa" ang tawag ni Jolo kay Jodi, kasalan na lang ang kulang.

"All I can say is the right time will come, darating tayo diyan at may mga hinihintay na lang tayo," ani Jolo.

Marami ang nagre-request na magkaroon ng special role si Jodi sa pelikulang "72 Hours" na hindi naman malayong mangyari ayon kay Jolo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.