Iba rin! Anne, nakipag-showdown kay Darren sa biritan

ABS-CBN News

Posted at Mar 14 2018 01:12 PM | Updated as of Mar 14 2018 10:53 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Pinasaya ni Anne Curtis ang mga manonood ng "It's Showtime" sa showdown nila sa kantahan ni Darren Espanto.

Nitong Miyerkoles, todo bigay sa pagbirit si Anne sa pag-awit ng "Total Eclipse of the Heart" at "What About Love" kasama ang bisitang si Darren.

"Gagalingan ko Darren, gagalingan ko," ani Anne kay Darren bago naman niya simulan ang pag-awit ng "I'd Do Anything For Love."
 
Matapos ang kantahan, ibinahagi ni Darren ang kasiyahan na makasamang umawit si Anne.

Biro naman ni Anne, si Darren lang ang nakikita niyang mas batang mang-awit na maaring pumantay sa kanyang boses.

"Alam mo naisip ko kasi sino ba sa generation na medyo mas younger sa atin ang kayang pumantay sa pagiging biritera ko, at kinaya ni Darren Espanto, mas maganda pa ang boses sa akin. Pero hindi ko masyadong ginalingan," biro ni Anne.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.