Marco Gallo, nagsalita tungkol sa dating ka-love team na si Kisses

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 02:30 PM | Updated as of Mar 13 2018 09:58 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA --- Nagsalita si Marco Gallo tungkol sa dating ka-love team na si Kisses Delavin.

"Okay naman. Half-half. On the way naman in a good way," ani Marco sa "Magandang Buhay" nitong Martes. 

Inamin din niya na kahit paano ay nagkakasalubong sila bilang pareho silang Kapamilya stars. 

Matatandaang Oktubre noong nakaraang taon ay kinumpirma ni Kisses ang pagtatapos ng love team nila ni Marco na KissMarc.
 
Nagsimula ang love team ng dalawa matapos nilang lumabas ng "Pinoy Big Brother" house. Nagkasama pa ang dalawa sa pelikulang "Loving in Tandem." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.