Ilang 'showbiz royalty,' kabilang sa 2018 Star Magic Circle

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2018 03:18 PM | Updated as of Mar 13 2018 08:27 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inilunsad kamakailan ng Star Magic ang bago nitong pangkat ng mga artista, na kinabibilangan ng ilang mula sa pamilya ng mga sikat.

Ilan sa mga miyembro ng binansagang 2018 Star Magic Circle na galing sa showbiz families ay sina Leila Alcasid, Donny Pangilinan, at Tony Labrusca.

Anila, hindi nila gaanong dama ang pressure sa pagpasok ng industriya ng kanilang mga magulang.

"May kaunting pressure, I feel the comparison to my parents but they're supportive... I'm trying to find something that's individual about [me]," ani Alcasid, na anak ng mang-aawit na si Ogie Alcasid sa dati nitong asawang beauty queen na si Michelle van Eimeren.

"Sabi naman ni mommy and daddy sa akin I am a different person and I have to create my own path," sabi naman ni Pangilinan, na anak nina si Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.

"Of course you have to work hard. There's no easy lane, there's no shortcut to success," dagdag ni Pangilinan, na isa ring MYX VJ.

Hind rin bago sa mata ng publiko si Labrusca, na anak ng aktor na si Boom Labrusca at mang-aawit na si Angel Kones, dahil dati na siyang lumabas sa "Pinoy Boyband Superstar" at "La Luna Sangre."

Kilala naman ang theater actress na si Anna Luna sa kaniyang pagganap sa iba't ibang independent films. "Sana more mainstream [projects]... Sana makasungkit ako kahit isa lang," sabi ni Luna.

Bunga rin ng mga reality show sina Karl Gabriel, Henz Villaraiz at Markus Paterson mula "Pinoy Boyband Superstar," at Zonia Mejia mula "Pinoy Big Brother 737."

Kasali rin sa iba pang kaabang-abang na bituin ng 2018 Star Magic Circle sina Yasmyne Suarez, Daniela Stranner, Patty Mendoza, Chantal Videla, at Charlie Dizon.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.