Angelica at Carlo, magkasama sa Australia?

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2018 11:47 AM

MANILA -- Pinakilig nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino ang kanilang mga tagahanga sa 'di umano'y pagba-bonding nila sa labas ng bansa. 

Sa Instagram, inilabas ng mga tagahanga ng dalawa ang isang video kung saan kita silang magkasama habang masayang nanonood ng concert.

Ang video 'di umano ay una nang inilabas ni Angelica sa kanyang Instagram Stories pero agad ding binura.
 

Sa huling Instagram Stories post ni Angelica, kita rito ang mga kuha niyang video sa isang concert.

Sa kanyang huling Instagram post, ibinahagi naman ni Carlo, na nagtungo rin sa Australia, ang isang retrato ni Angelica.

 

😂 is best when 🤗

A post shared by Liwanag Jose (@liwanag11) on