Maymay, inalala ang tagumpay sa 'Pinoy Big Brother'

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 11:46 AM

MANILA -- Inalala ni Maymay Entrata ang araw na nagpabago sa kanyang buhay.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, inilabas ni Maymay ang larawan niya noong manalo siya sa "Pinoy Big Brother Lucky Season 7."

Sa caption, inalay ni Maymay sa kanyang mga tagahanga ang tagumpay na kanyang nakamit.

 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

‪"Parang kailan lang isang taon na pala ang nakalipas simula nung nanalo tayo sa 'PBB.' Kayo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon 'di ko makakalimutan ang magandang alala natin sa journey na 'to. Lahat ng patuloy na nagmamahal at suporta n'yo sa 'kin, habang buhay ay saludo ako sa inyo. At sa lahat na naging bahagi ng aking tagumpay, mahal na mahal kayo," ani Maymay.

Matapos manalo si Maymay sa "PBB," naglabas agad ito ng sariling album at bumida sa pelikula kasama ang ka-love team nito na si Edward Barber.

Naging parte rin si Maymay ng seryeng "La Luna Sangre."

Nito lamang nakaraang buwan ay naging matagumpay ang kanyang unang major concert.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.