Kisses, may bago nang ka-love team

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 11:38 AM | Updated as of Mar 08 2018 02:22 PM

MANILA -- May bago nang ka-love team ang aktres na si Kisses Delavin.

Sa Instagram, inilabas ang mga retrato ni Kisses at bago nitong love team partner na si MYX VJ Donny Pangilinan.

Kuha ang mga larawan nina Donny at Kisses sa workshop para sa paparating na serye na "Playhouse" na pagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Matatandaang si Donny, anak ng aktres na si Maricel Laxa at Anthony Pangilinan, ang naging escort ni Kisses sa kanyang debut noong nakaraang taon.

Narito ang ilang mga larawan ng bagong love team na DonKiss nina Donny at Kisses.

 

A post shared by GMO Entertainment Unit (@gmounit) on

 

A post shared by GMO Entertainment Unit (@gmounit) on

 

A post shared by GMO Entertainment Unit (@gmounit) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.