KC, nagsalita ukol sa relasyon nila ni Aly

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 07:53 PM | Updated as of Mar 08 2018 08:17 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Binasag ng aktres na si KC Concepcion ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga usap-usapang hiwalay na umano sila ng nobyong atleta na si Aly Borromeo.

"We're really both independent and I think that we will always have that connection where he knows I'm there for him and I also know that he's always going to be there for me," sabi ni Concepcion sa panayam ng ABS-CBN News.

Bagaman madalas pa rin umano silang nag-uusap, sinabi ni Concepcion na binibigyan nila ng puwang ang isa't isa.

"I'm giving him that space. He's giving me my space," aniya.

"I think when the right time comes then we can really prioritize the relationship." 

Nagbahagi rin si Concepcion nitong Huwebes sa Instagram ng retrato nila ni Borromeo.

"If the stars choose to align us together again in the future, then why not? Who knows what will happen then," isinulat ni Concepcion sa caption.

Ipinahayag din ng aktres ang kaniyang buong suporta para kay Borromeo.

"As for me, I’ve decided to fully support him, at the same time move on and spread my wings," sabi ng aktres.

Abala si Borromeo sa kaniyang karera sa soccer at ganoon din si Concepcion sa paglulunsad ng kaniyang bagong jewelry line.

Sa panayam naman ng Philippine Entertainment Portal (Pep), sinabi ni Borromeo na abala lang sila sa ibang bagay sa labas ng kanilang relasyon.

PAGIGING ARTISTA

Iginiit din ni Concepcion na miss na niya ang pag-aartista pero naghihintay pa rin umano siya ng perpektong papel na maaaring gampanan.

"Maybe there's a right time and the right project for it. I'm in a different place in my life right now so where I take on a role, parang I want there to be more meat in it," paliwanag ng aktres.

Patuloy rin ang pagtulong ni Concepcion sa iba sa pamamagitan ng "KC's Closet" at sa United Nations World Food Programme.

-- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.