Awra, nagdiwang ng kaarawan sa water park sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2018 11:58 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagdiwang ang dating child star na si Awra Briguela ng kanyang ika-14 kaarawan kasama ang mga host ng "Magandang Buhay" sa pinakabagong water park sa Pampanga na Aqua Planet.

Nakisama rin sa birthday celebration ang mga kaibigan ni Awra na sina AC Bonifacio at Ylona Garcia at ang kanyang pamilya.

"Nagpapasalamat po ako sa 'Magandang Buhay' sa pag-celebrate ng advance sa birthday ko. Thank you rin po sa family ko na sumama sa akin para dito mag-celebrate. Salamat kasi lahat ng na-experience ko rito ay first time kaya happy po ako," ani Awra na nagsimulang makilala dahil sa kanyang mga nakakatuwang viral videos.

Pinasok niya ang showbiz bilang isa sa mga batang aktor ng sikat na seryeng "FPJ's: Ang Probinsyano."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.