KZ, Jaya at iba pang OPM stars, inilatag ang mga paparating na concerts

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 01:05 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv


MANILA -- Magkakasabay na nag-anunsiyo ng kanilang mga major concert ang ilang mangaawit sa ilalim ng Cornerstone Management.

Nagbigay pa sila ng pa-sampol ng kanilang signature hits na kinasasabikan ng kanilang fans.

Si KZ Tandingan, naghahanda na sa first major concert sa Araneta Coliseum sa darating na Hunyo.

Dito rin nagbigay update si KZ sa kanyang status sa "Singer 2018" na No. 1 musical competition sa China.

"Wala talagang judges; ang judges ay 'yung audience. Mayroon silang 3 votes na puwede nilang ilagay sa lahat ng contestants. So sila 'yung kailangang matuwa sa performance mo. So it doesn't mean na kung nasa bottom ako ng ranking ay pangit na pangit ang performance ko," ani KZ.

Sumabak na rin sa pagdi-direk ng concert si John Prats sa nakaraang sold-out show ni Moira dela Torre noong February 17 at 18 na "Tagpuan."

Malaking inspirasyon kay John ang dalawang dekada niyang pagpe-perform sa "ASAP."

"Along the way nakita ko 'yung mga production number kung paano mino-mount kung paano ginagawa, so doon ako natuto," ani John Prats.

Anniversary concerts naman ang pinaghahandaan nina Richard Poon at Erik Santos. 

Sampung taon na sa showbiz ang crooner na si Richard at 15 years naman si Erik.

"Honestly ang mindset ko kasi dito sa concert ay hindi naman talaga siya something to top something or to change. It's really to celebrate 'yung 10 years kasi my genre is very different, may niche market ako. So basically ang thought ko lang entering this concert, 10 years is to celebrate 'yung milestones," paliwanag ni Richard.

Para naman kay Erik, "For me ito 'yung solo concert ko na I will be celebrating my 15 wonderful years sa business. So kumbaga, ise-celebrate ko 'yung journey ko."

Kapwa-soul performers naman ang makakasama ng Queen of Soul na si Jaya sa Kia Theater sa Agosto. Excited na si Jaya na ibahagi ang stage kay Jay-R at Jason Dy.

"Iba-iba talaga 'yung sound na puwede naming i-put and at the same time we can dance, we can try rapping. Ang dami-dami naming puwedeng ipasok, 'yung old stuff. Pero ang importante ay makahabol ako. So ngayon pa lang mage-exercise na ako. But I'm excited for these two guys to sing with me, sobrang dream come true," ani Jaya.

Kasama rin sa aabangan ang "Divas Live Part 2" sa Araneta Coliseum sa November 2018 na muling pagsasamahan nila Yeng Constantino, Angeline Quinto, Kyla at KZ Tandingan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.