'Funny One' winner Donna Cariaga, may pangarap na natupad

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 12:31 PM | Updated as of Mar 07 2018 08:18 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Natupad na ang pangarap ni Donna Cariaga na mapauwi ang kanyang ina mula sa Lebanon.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ng "Funny One" winner na nakatakdang bumalik ang kanyang ina sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon.

"Uuwi na po siya next week," ani Donna na ibinahaging isa sa naipundar niya ay ang bahay na titirhan ng kanyang ina.

"Ang inuna ko po talaga ay kinunan ko po siya ng matutuluyan sa pag-uwi niya," ani Donna na kilala na rin sa showbiz matapos manalo sa "Funny One" ng "It's Showtime" dahil sa kanyang mga hugot tungkol sa pag-ibig.

Pero para sa komedyante, mas masaya siya para sa bunso nilang kapatid.

"Kasi hindi pa siya nag-iisang taon noong umalis si Mama. Tapos first time nilang magkikita ulit, 11 na po siya. Baby pa po siya noong naiwan," kuwento ni Donna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.